Showbiz News

What makes 'Pepito Manaloto' an intelligent comedy series?

By AEDRIANNE ACAR 
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Manilyn Reynes is the jack-of-all-trades! 
 
Sa tagal niya sa showbiz marami nang projects ang nagawa ng Kapuso star, making her one of the most prolific actresses of this generation. At mas lalong napamahal sa mga Kapuso si Manilyn since napasama siya sa isa sa most successful comedy series ng GMA, ang Pepito Manaloto
 
Kinagat ng buong bansa ang nakakatuwang tandem nila ni Pepito (played by Michael V.) at siya bilang Elsa Manaloto.
 
Sa panayam ng GMANetwork.com sa Pepito Manaloto star hindi niya maitago ang kanyang pagka-grateful na tumagal ang show nila for so many years. 
 
Ayon kay Manilyn, tinuturing niyang isang malaking pribilehiyo ang mapasama sa ganitong programa na nagagawang mag-entertain at mag-educate ng mga Pilipino tuwing Sabado ng gabi.
 
“Actually alam ko hindi lang po ako, kundi kami lahat na bumubuo ng Pepito Manaloto. Mula sa aming mga staff and crew, sa director, sa creative and sa lahat-lahat, we are really very thankful po na binigyan kami ng pribilehiyong ito. Privileged kami to be able to entertain the people, our televiewers at sa lahat po ng suporta na binibigay nila sa amin. We are really very, very thankful.” 
 
Dagdag pa niya, “Salamat talaga na umabot po kami ng ganito at talagang pinipray [pray] namin na mas marami pang episodes kayong mapapanood. Lahat po ‘yan pinag-iisipan namin, lahat po ‘yan para sa inyo.” 
 
Pagmamalaki nitong si Manilyn na tuwang-tuwa siya, dahil ang mga young cast members ng Pepito tulad nila Jake Vargas, Bea Binene at Julie Anne San Jose ay sobrang husay sa pagganap ng kani-kanilang karakter. Nakikita raw ni Manilyn ang drive ng mga ito na matuto. 
 
“They are very eager to learn. Nagtatanong sila. Hindi sila nahihiya na ‘papaano ba ‘to?', 'ano gagawin namin dito?' Tapos 'pag mayroon silang naiisip, sinasabi nila. Hindi sila 'yung 'o sige, kaya ko ‘to', 'ako to ‘eh', walang ganun so ‘yun ang maganda kasi gusto matuto.” 
 
Kuwento pa niya, napakagaling ng buong creative staff ng Pepito Manaloto, dahil sinisigurado raw nito na ang bawat cast member ay may moment each episode. Pati rin ang mga guests nila every week.
 
“Dapat may moment. Hindi pupuwedeng ilagay diyan tapos ano nah 'di ba. Tsaka alam mo naman sina Bitoy, creative namin ‘yan. Silang lahat pinag-iisipan talaga.”