Showbiz News

Watch the 100th episode of 'Pepito Manaloto'

By AEDRIANNE ACAR 

 
Sinong mag-aakala na apat na taon na sa ere ang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento. Dubbed as a “reality sitcom,” ito ang kuwento ng isang karaniwang tao na tumama ng P700 million pesos sa lotto.

Proud na proud ang bida at creative director ng show na si Michael V dahil sinubaybayan ng mga manonood ang journey ng Manaloto family. At sa darating na August 9, ipapalabas na nga ang kanilang 100th episode. 
 
Kaya nang makapanayam ng GMANetwork.com ang lead actor, tinanong namin siya kung sino'ng karakter, bukod kay Pepito, ang gusto sana niyang i-play.
 
Sagot ng veteran comedian, iniisip niya minsan na gampanan ang role ng kasambahay nilang si Maria.

Aniya, “Pagka ginagawa ko 'yung script, 'yung mga linya ni Maria, parang naiinggit ako. Minsan parang gusto [ko] akin na lang ‘tong punchline.''
 
Masaya rin daw siya sa development ng character ni Chito Manaloto, dahil mas lalong aabangan ng mga Kapuso ang mga hirit ng guwapong anak nila Pepito at Elsa.
 
“Recently ang na-develop ko or ang lumabas na parang magandang trait nung [noong] isang character si Jake Vargas, si Chito, 'yung kanyang mga hirit na papogi. Parang very close to pick-up lines pero laging fail."

Samantala, hindi kumpleto ang show kung wala ang tuso at eager na manliligaw ni Deedee na si Tommy.
 
Ayon kay Ronnie, wala raw siyang maiisip na character na gusto niyang i-play bukod kay Tommy. Masaya siya to be the so-called "devil" of the show na pasaway at mahilig manggulang. 
 
“Actually, I can’t think of any other role I’d like to play than the one I am playing already. 'Cause nakakainggit 'yung role ko. I do what all these red-blooded males want to do, want to say, but don’t dare do it 'di ba. But me I have a license of [sic] the show, because I’m the lovable scoundrel,” saad niya. 
 
Tune in to Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento this August 9 pagkatapos ng 24 Oras Weekend. Sa special episode na handog nila ngayong Sabado, makikigulo ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid. 
 
Kaya don’t miss it mga Kapuso!