Showbiz News

Chef Boy Logro, a stage dad?

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Dahil matagal nang celebrity chef ang very energetic na si Chef Boy Logro, marami ang humahanga sa humility nito sa likod ng tagumpay na natatamasa niya sa mundo ng showbiz. Ano kaya ang masasabi ng kanyang co-host na si Bettinna Carlos?
 
Sa isa sa mga special episodes ng Idol sa Kusina, nakapag-guest ang anak ni Chef Boy na si Matet Logro. Dito umano nakita ni Bettinna ang pagiging stage dad ni Chef Boy.
 
Kuwento ni Bettinna, “I was watching Chef Boy kasi hindi niya talaga alam na bibisita 'yung bunso niyang anak na babae. It was very amazing how he looked at Matet, na alam mo 'yung kalinga ng ama na proud na proud.”
 
“Bigla siyang naging stage father, biglang nangialam!,” natatawang dagdag ni Bettinna.
 
Inalam umano ni Bettinna kung may pressure bang nararamdam si Matet lalo na’t isang sikat na chef at TV personality ang kanyang ama. Sabi raw ni Matet kay Bettinna ay hindi naman siya nape-pressure. Natatawa lang umano si Matet kapag may pagkakataon na biglang nagiging stage father si Chef Boy.
 
Bilang katrabaho, masaya naman umano si Bettinna dahil unti-unti niyang nadi-discover ang mga sikreto sa buhay ni Chef Boy.
 
“Nakakatuwa lang to see a different side of Chef Boy. In a context of work and area in the kitchen [sic],” pagtatapos ni Bettinna.