What's Hot

'Voltes V: Legacy' collectible statue, tinangkilik sa ToyCon PH 2024

By Marah Ruiz
Published June 17, 2024 6:55 PM PHT
Updated June 17, 2024 7:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Voltes V Legacy


Nasilayan ang 'Voltes V: Legacy' collectible statue sa ToyCon PH 2024 at may ilan ding nag-pre-order nito.

Kabilang ang GMA Network sa 300 booths na nag-display at nagbenta ng mga collectibles, apparel, laruan, at iba pa sa ToyCon PH Evolution 2024.

Isa sa mga inaabangan diyan ang collectible statue ng Voltes V robot na mula sa 3D render nito base sa seryeng Voltes V: Legacy.

Gawa ito sa resin at nagkakahalaga mula Php 18,000 hanggang php 87,000. May ilang din nag-pre-order nito sa booth ng GMA.

"Noong nagkaroon ng Voltes V: Legacy and nagkaoon ng opportunity to get a collector's item ng toy, kumukuha na rin po ako," lahad ni Lionel Villanueva, isa sa mga unang nag-pre-order ng statue.

"I believe it's an investment," dagdag pa niya.

"Tumataas ang value niya through time. After one or two years, tumataas ang value niya kasi maraming naghahanap," paliwanag naman ni Jay Sia, isang artist at toy collector.

Bukod dito, naging available din sa booth ang ilang pang merchandise mula sa Voltes V: Legacy, Sang'gre, Running Man at award-winning film na Firefly.

Matt Lozano



Dumalaw sa sikat ng pop culture event na ito si Matt Lozano na tumanggap ng isang award para Voltes V: Legacy. Natanggap ng serye ang Special Citation for Best Anime Live Action 2024 mula sa Otaku Choice Awards 2024.

Present din dito ang ilang lead stars ng upcoming telefantasya na Sang'gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Angel Guardian, at Rhian Ramos.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video na ito:



SILIPIN DIN ANG PAGBISITA NG SANG'GRE CAST SA TOYCON PH EVOLUTION 2024: