Showbiz News

Linggo ng katotohanan at panghuhusga sa GMA Afternoon Prime

By AL KENDRICK NOGUERA

Lilitaw at lilitaw pa rin ang katotohanan kahit pilit mo itong itinatago. At bago ka manghusga ng tao, alamin mo muna ang dahilan kung bakit niya kailangang gawin ang bagay na hindi mo nagustuhan.

Narito ang mga eksenang hindi ninyo dapat pinalampas sa inyong paboritong Afternoon Prime soaps na The Half Sisters at Dading.

The Half Sisters

(insert h1)

Tama nga si Ashley, nagdududa na si Doña Lupita sa kanilang mag-ama. At dahil hindi na palagay si Lupita kay Ashley, nababaling naman ang atensyon niya kay Diana. Sinabi pa ni Lupita na magiging masaya siya kung naging si Diana ang tunay niyang apo.

Pumasok si Alfred sa mansion para kausapin si Ashley. Marami silang dapat pag-usapan dahil kailangan nilang pagplanuhan kung paano nila mapipigilan ang pagpunta ni Diana sa mansyon. Ngunit nagkaroon sila ng mas malaking problema dahil habang nag-uusap sila ay nakikinig si Lupita. Narinig ng matanda ang katotohanan na si Diana ang tunay na anak ni Benjie at hindi si Ashley!

Ano kaya ang gagawin ni Alfred para hindi lumabas ang katotohanan? Papaalisin na ba sa mansyon si Ashley?

Dading

(insert d1 + d2)

Wagi sa gay beauty contest si Carding. Inilihim niya ito sa kanyang mag-ina ngunit hindi siya nakaiwas sa ama ni Beth na si Mang Bernard. Mismong sa gabi ng contest kasi ay naroon si Mang Bernard at nasaksihan niya ang pagdadamit-babae ni Carding. Sinugod ni Mang Bernard si Carding para komprontahin at sabihan ng mga masasakit na salita.

Dahil sa tindi ng galit ni Mang Bernard, muntik na itong atakihin sa puso. Buti na lamang ay naisugod agad siya sa ospital. Nang malaman naman ni Beth na si Carding ang dahilan kung bakit nangyari ito sa ama, agad siyang nagalit sa asawa. Ipinaliwanag ni Carding kay Beth na kaya lang naman siya sumali sa contest dahil kailangang niya ng pera para makaluwas na siya sa Maynila at makapiling sila ni Precious.

Magkakaayos pa ba sina Beth at Carding? Kailan ba matatanggap ni Mang Bernard na bading ang asawa ng kanyang anak?

Patuloy na subaybayan ang The Half Sisters at Dading sa GMA Afternoon Prime, weekdays after Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime.