
Magtatambal sa pinakauna nilang pelikula ang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Rhian Ramos.
Sa Facebook page ng production company nina Glaiza na Wide International Film Production unang inanunsyo na official na ang pagkakaroon nila ng movie na magkasama.
Sulat nila sa post, “Rhian Ramos and Glaiza De Castro to have their first-ever movie together under Wide International. It's now official…”
Kuwento nila sa post, tinanong ang dalawang aktres sa naganap na FreenBecky Fan Meeting kung willing ba sila magkaroon ng pelikula ng magkasama. Ang sagot nila dito, “Yes.”
Wala pang binigay na detalye tungkol sa pelikula pero sa comment section, maraming fans ang nagpahayag ng kanilang exciement sa kanilang tambalan sa pelikula. Ang ilan sa kanila, inalala pa ang GL (girl's love) series na ginawa nila noon na The Rich Man's Daughter at sinabing matagal na nilang inaabangan ang movie nila together.
BALIKAN ANG CAST NG 'RICH MAN'S DAUGHTER' SA GALLERY NA ITO:
“Wow Finally!! After how many years of waiting,” comment ng isa sa mga netizen.
“My first Filipino GL Stan… waaaah can't wait,” sabi naman ng isa pa.
“Omg My #Rastro heart… The Rich Man's Daughter, the first GL series in the PH that We've watch,” sabi ng isa pang netizen.
Ngayon ay magkakatrabaho rin sina Glaiza at Rhian sa upcoming fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre. Babalik si Glaiza bilang si Sang'gre Pirena, habang gagampanan naman ni Rhian ang role ni Mitena.
Tingnan ang post nila rito: