GMA Logo Direk Mark Reyes, Kylie Padilla, Amihan
Source: direkmark/IG
What's Hot

Kylie Padilla, nagsimula na ng taping para sa 'Sang'gre'

By Kristian Eric Javier
Published July 4, 2024 3:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Direk Mark Reyes, Kylie Padilla, Amihan


Abangan si Hara Amihan Kylie Padilla sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Sumabak na rin sa kanyang first day of taping para sa upcoming fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre si Hara Amihan Kylie Padilla.

Inanunsyo ni Direk Mark Reyes sa kanyang Instagram page ang pagsimula ni Kylie ng taping, kasabay ng pag-welcome back nito sa aktres. Kalakip nito ang litrato nilang dalawa habang nasa taping.

“Guess who had her first day shoot for #Sanggre ? Welcome back to Encantadia Hara #amihan @kylienicolepadilla ! @gmaencantadia #encantadiachroniclessanggre” caption ni Direk Mark sa kaniyang post.

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

Sa comments, marami ang nagbigay ng kanilang pagbati kay Kylie at Direk Mark, ngunit marami rin ang nagsabi na kulang pa, dahil wala si Ybrahim, ang minamahal ni Amihan, na ginagampanan naman ni Ruru Madrid.

BALIKAN ANG BEHIND-THE-SCENES NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' TEASER SA GALLERY NA ITO:

Kamakailan lang ay nag-post si Kylie ng kaniyang Amihan transformation video para sagutin ang hamon ni Gabbi Garcia, na gumanap naman bilang si Sang'gre Alena. Dito ay hinamon rin ng aktres ang kanilang mga kapatid na sina Glaiza de Castro at Sanya Lopez para mag-transform bilang sina Pirena at Danaya.

Comment ni Gabbi sa transformation video ni Kylie, “Ayan na! Let's go Amihan! Woohoo! Game na Glaiza De Castro and Sanya Lopez.”

Nagkomento rin ang isa sa mga new generation ng Sang'gres na si Bianca Umali. Aniya, “o ang aking Ashti Amihan… AVISALA!"

Samantala, sa hiwalay na post ay inanunsyo na rin ni Direk Mark ang unang pagsasama sa taping ng new generation ng Sang'gres na sina Bianca Umali, Faith da Silva, Angel Guardian, at Kelvin Miranda.

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

Nauna nang kinumpirma ni Direk Mark ang pagbabalik ng OG 2016 Sang'gres nang mag-post siya ng litrato kasama ang mga ito noong Enero. Samantala, Nobyembre noong nakaraang taon nang kumpirmahin niya ang pagbabalik ni Rocco Nacino bilang si Aquil.