
Ginanap kagabi, July 4 ang premiere ng kauna-unahang pelikula ng Sparkle stars na sina Barbie Forteza at David Licauco na That Kind of Love sa SM Megamall Cinema sa Ortigas.
At dahil may isang taon na nang gawin nila ang pelikula, hindi mapigilan ng dalawa na ma-excite na ipapalabas na ito sa local cinemas sa wakas.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Barbie Forteza at David Licauco, sinabi ng aktres na nararamdaman na nila ni David ang build up ng excitement para sa pelikula nila dahil last year pa ito ginawa.
“Talagang it's way up there na excited na kaming lahat na mapanood ito, and even Direk Cathy (Catherine Camarillo), we're very, very honored and thankful dahil pinagkatiwalaan kami ng Pocket Media na gawin itong proyekto na ito,” sabi niya.
Magkahalong kilig at excitement rin ang nararamdaman ni David para sa kanilang pelikula, pero pag-amin niya, alam niyang merong expectations ang mga tao lalo na't kinunan nila ito pagkatapos ng historical fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
“For me naman, parang I was trying my best to live in the moment kasi may tendency ma-pressure tayo sa lahat ng mga nakukuha nating blessings,” sabi niya.
Pagpapatuloy ng Pambansang Ginoo, “But I'm just trying my best to be 'yun na nga, just be grateful, and stay in the moment. Kasi minsan, hindi ko naman ine-expect na I will reach this point so I'm just really grateful na it happened.”
BALIKAN ANG MOST KILIG MOMENTS NINA BARBIE AT DAVID NOONG 2023 SA GALLERY NA ITO:
Dahil ito ang first movie nila together, aminado si Barbie Forteza at David Licauco, o kilala rin sa loveteam na BarDa, na “na-culture shock” sila dahil mas sanay silang gumawa ng serye kesa pelikula.
“Itong pelikula namin na 'yung istilo ng paggawa ng pelikula na paulit-ulit, maraming anggulo, hindi ba? Medyo nag-adjust kami du'n sa style na 'yun ng paggawa ng pelikula kasi nasanay kami sa mga one take-one take lang, maraming eksena,” sabi ni Barbie.
Pagpapatuloy ng Kapuso Primetime Princess, baliktad ito kapag gumagawa ng pelikula dahil kahit konting eksena lang ang kukunan sa isang araw ay ilang ulit nila itong gagawin.
Ayon pa kay David, naging mas challenging ito para sa kanilang dalawa dahil hindi sila sanay gumawa ng pelikula.
“Kasi sa film, mas maraming shot, mas maraming detalye, I would say, so that's where the challenge was. But apart from that, okay naman, I think medyo okay naman 'yung chemistry, the way we work, same pa rin naman ang teleserye sa movie,” sabi niya.
Pagpapatuloy pa ng aktor, mas na-excite pa siya sa kanilang pelikula dahil gusto nila umano tumulong na maibalik ang movie industry, at buhayin muli ang interes ng mga tao sa panonood ng sine matapos ang pandemic.
“Alam naman natin what the pandemic has done for the movie industry and the cinemas so siyempre for us, we just wanna help also, hopefully we can help na maibalik 'yung sigla ng mga tao sa pagnonood ng pelikula sa cinemas,” sabi niya.
Mapapanood na ang That Kind of Love this July 10 sa lahat ng mga sinehan.
RELATED CONTENT: Barbie Forteza, David Licauco engage in kilig bardagulan in 'That Kind of Love' trailer