Showbiz News

Jake Vargas aka Mr. Versatility

By AEDRIANNE ACAR 

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Walang takot na hinaharap ng Kapuso heartthrob na si Jake Vargas ang bawat project na binigay sa kanya ng GMA.
 
Kaya hindi kataka-taka na madaling nakapag-adjust ang binata sa anumang karakter na ginampanan niya. Kuwento ni Jake sa GMANetwork.com, walang pagkakaiba kung ang isa niyang show ay drama or comedy, dahil parehas lang ang challenge na dala nito. 
 
“Mas gamay ko 'yung drama kasi naumpisahan ko 'yun eh. Pero sa tingin ko parehas lang kasi itong Pepito matagal na. Years na rin kami umabot kaya medyo nasasanay na rin ako sa comedy or sa drama, ” saad ng Kapuso actor. 
 
Kamakailan lang naabot ng Pepito Manaloto ang isang importanteng milestone. Lumagpas na sila ng mahigit 200 episodes. Kaya siguradong kaabang-abang ang mga darating na episodes na mapapanood ng loyal Manaloto fans every Saturday.
 
Aniya, “Marami pa silang aabangan na magagandang episode na actually marami pang aral kayong matutunan sa Pepito Manaloto.” 
 
Kaya huwag niyo kalilimutan mga Kapuso na manood ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento every Saturday pagkatapos ng 24 Oras Weekend.