GMA Logo Barbie Forteza
Source: Gerlyn Mae Mariano
What's Hot

Barbie Forteza, dream come true ang role ni Mila sa 'That Kind of Love'

By Kristian Eric Javier
Published July 8, 2024 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Barbie Forteza on her character Mila: 'So far, ito 'yung pinaka sophisticated role ko.'

Ginanap ang premiere ng pinakaunang pelikula nina Barbie Forteza at David Licauco na That Kind of Love noong July 4 sa SM Megamall Cinema. At ayon sa aktres, isa sa mga pinangarap niyang role na magampanan ay ang karakter niya sa pelikula na si Mila.

Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Barbie na iba ang role niya sa pelikula kumpara sa mga dating nagawa na niya at inilarawan si Mila bilang sophisticated.

“Mas English speaking, mas dalaga, compared to my roles before na very bubbly, very bata, very sweet, ganyan. Ito, mas dalaga talaga si Barbie dito so mas nanood ako ng Devil Wears Prada, 'yung pang mas dalaga na chick flick,” sabi niya.

Kahit naiiba si Mila sa mga dating karakter na ginawa niya, inamin ng Kapuso Primetime Princess na hindi naman siya gaanong na-challenge sa pagganap sa kaniyang character.

Paliwanag niya, “Isa rin 'to sa mga roles na gusto kong gampanan, 'yung sosyalera na laging glamorous, ganiyan, kahit nasa bahay ka lang, glam ka, ganu'n, mataray, sophisticated.”

“Kasi nga malayo siya sa mga nakasanayan ko nang characters so na-enjoy ko 'yung paggawa at pagganap kay Mila,” pagtatapos ni Barbie.

BALIKAN ANG ILAN SA ICONIC CHARACTERS NA GINANAPAN NI BARBIE FORTEZA SA GALLERY NA ITO:


Samantala, malapit na rin ipalabas ang upcoming historical drama series nila na Pulang Araw at ayon kay Barbie, “totally different” ang kaniyang karakter sa pelikula na si Mila, kay Adelina sa serye.

“Si Mila ay very mature, sophisticated, dalaga, like I said, si Adelina, pinabata ko. Pinabata ko siya talaga dun sa first few weeks ng story namin just to emphasize na younger sibling ako ni Alden (Richards) at ni Sanya (Lopez),” sabi niya.

Aniya, ginawa niya ito para maging maganda ang dynamics nilang tatlo kapag magkakaeksena sila. “Makita 'yung differences, makita 'yung hugot namin, makita 'yung iba't ibang characters namin.”

“So sa umpisa pinabata ko siya, and then once the war progresses, nu'ng dumating na 'yung giyera sa bansa natin, du'n na mas nag-mature, mas nag-build up 'yung character ni Adelina para lumaban din siya para sa bayan,” pagpapatuloy ng aktres.