Showbiz News

‘Adrenaline Fest’ mornings starting August 18!

By AEDRIANNE ACAR
 
Mas maaksyong umaga ang naghihintay sa inyo anime fans dahil mas pinalakas at mas pinaastig na mga programa ang handog ng inyong nangungunang Network pagdating sa anime, ang GMA-7.
 
Muling magbabalik ang mga paborito niyong animes na siguradong magiging weekday morning habit ninyo.

Simula August 18, mapapanood niyo na ang nagbabalik na paboritong blue robot natin na si Doraemon.
 
Anu-ano kayang mga cool gadgets ang makikita natin mula sa kanyang mahiwagang bulsa at makatulong kaya ang mga ito sa mga problema ng bestfriend nya na si Nobita?
 
Kaya huwag nang bibitiw dahil umpisa ng mga bagong adventures ni Doraemon pagkatapos ng Unang Hirit.

Hindi rin ninyo papalampasin ang pagbabalik ng astig na spirit detective na si Eugene. Samahan natin ang kanyang tropa sa pakikipaglaban sa mga halimaw sa all-time favorite natin na Ghost Fighter pagkatapos ng Jackie Chan Adventures.
 
Humanda na kayo mga Hollow dahil nagbabalik muli ang astig na substitute Shinigami na si Ichigo Kurosaki.
 
Umaatikabong labanan ng gilas at tapang ang mapapanood ninyo tuwing umaga dahil isang bagong pakikipagsapalaran ang kakaharapin ni Ichigo kasama ang kanyang mga barkada na sina sina Rukia, Uryu, Chado at Inoue. Magtagumpay kaya sila laban sa bagong kalaban?

Get ready for the new season of Bleach pagkatapos ng InuYasha.
 
Lahat ng iyan ay mapapanood niyo na simula ngayong August 18, Lunes hanggang Biyernes, sa nag-iisa at nangungunang astig sa mundo ng anime, GMA!