Showbiz News

Gabby Eigenmann, na-inspire ang mga real-life ‘Dading’

By AL KENDRICK NOGUERA

 
Maraming manonood ang nagagandahan sa istorya ng Dading lalo na ang mga tinatawag nating LGBT community. Sinasalamin kasi nito ang kanilang mga buhay sa pamamagitan ng pagganap ni Gabby Eigenmann sa isang bading na tatay na nagtataguyod ng kanyang pamilya.
 
Kuwento ni Gabby, maingat daw siya sa pagpo-portray ng kanyang character para hindi ma-offend ang LGBT community. Hindi raw kasi madaling gumanap bilang isang bading.

Malinaw daw ang aral na gustong iparating ng show ng mga manonood. “I guess it's clear naman na kahit ano man ang kasarian mo, it's okay to be a dad, it's okay to be a mom at the same time,” saad ni Gabby.
 
Dagdag pa niya, “Feeling ko that's why nagugustuhan nila [viewers] because it's different kasi lalo na ngayon, in this century, tanggap na ang LGBT.”
 
Noong una raw ay inisip niyang maikukumpara ito sa My Husband’s Lover dahil pareho itong gay-themed soap. Pero aniya, ibang-iba ito dahil malayong-malayo ang istorya ng Dading sa dating GMA show. “Tapos na tayo sa My Husband's Lover na dalawang lalaki na nagmamahalan. Ito ay love for the child and family,” ani Gabby.
 
Isa pang ikinatuwa ni Gabby ay ang inspirasyon na ibinibigay ng Afternoon Prime soap sa mga real-life "Dading." Aniya, “Actually nagugulat ako kasi naglalabasan na 'yung mga taga-Marikina at taga-Pasig na mga Dading.”
 
Dagdag pa niya, “There was a comment from my Instagram and I sent it to Glaiza [de Castro] who has four kids and panadero rin siya and he’s also gay. Nakaka-inspire na they're all coming out.”
 
“Sabi ko nga we're just doing our jobs. Kung nakaka-inspire kami, ano na 'yan eh, icing on the cake. Na-i-inspire sila, na-i-inspire din kami because they're all reacting. Natutuwa kami,” pagtatapos ni Gabby.