Showbiz News

Mikael Daez and Andrea Torres: Trapped sa friend zone?

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ALLANAH PARAGAS, GMANetwork.com
 
Ang upcoming teleserye na Ang Lihim ni Annasandra ang pangatlong TV project na pagtatambalan nina Andrea Torres at Mikael Daez. Una silang nagsama bilang Cecilia at Carlos Miguel sa 2012 version ng Sana Ay Ikaw Na Nga. Nasundan ito ng morning series na With A Smile, kung saan naging ka-love triangle nila si Christian Bautista.
 
Pero kahit sila lagi ang magka-love team sa kanilang mga programa, they only remained close friends and never attempted to cross that line.
 
"Siguro from the very start, nagkaroon na kami ng parang heart-to-heart talk kung ano ang plano namin sa career. Tapos nag-open up na rin siya ng secrets niya, mga ex niya, family niya. Kaya parang na-establish na talaga na friends, kaya hindi nagkaroon ng time na magligawan," paliwanag ni Andrea.
 
Ibig sabihin ba nito ay simula pa lang ay na-friend zone na ni Andrea si Mikael?
 
Mariin itong tinanggi ng aktres. "Hindi naman sa ganun. Pareho kasi kaming ang mindset ay sa trabaho. Sabi talaga namin, kailangan maging successful 'yung Sana Ay Ikaw Na Nga kasi ito 'yung first time na ga-gamble sila [ang GMA] sa amin."
 
The two have stayed in contact with each other kahit pa natapos na ang kanilang mga teleserye, kaya lalong tumatag ang kanilang pagkakaibigan.
 
"Kahit hindi kami magkakasama, kung may naririnig siya tungkol sa akin, nangangamusta siya. Sa lahat ng lalaking close sa akin, kay Mikael talaga ako pinaka-close. Alam niya ang mga pinagdaanan ko. Kaya kapag may eksena kami, alam namin kung paano namin tutulungan ang isa't-isa. Alam ko kung ano ang sasabihin ko para maiyak siya. Alam din niya kung ano ang gagawin niya para maiyak ako."