GMA Logo SB19 Stell, Yaya Dove
photo by: yayadove TikTok, stell16_ IG
What's Hot

Edited video ni SB19 Stell, kinaaliwan online

By Kristine Kang
Published July 12, 2024 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

P1.224-M worth of illegal firecrackers seized ahead of New Year revelry – PNP
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 Stell, Yaya Dove


Usap-usapan ng netizens ang fan edit video ni SB19 Stell sa TikTok.

Araw-araw mas humuhusay ang fans sa pag-edit ng videos ng kanilang favorite artists. Mula sa nakakaiyak na clips hanggang sa nakakatawang reels, dumadami ang mga fan edits sa social media.

Kamakailan lang, nag-trending ang isang TikTok video gawa ng isang netizen na ang account name ay si Yaya Dove. Kita kasi sa kaniyang edit ang SB19 main vocalist na si Stell habang sinasayaw ang kanilang "Moonlight" challenge.

Sa umpisa, akala ng netizens ay duet video lang ng fan sa dance challenge ng P-pop group. Pero noong ginawa na nila ang iconic gallop dance move, biglang lumagpas sa video frame si Stell at hinabol si Yaya Dove.

Tawanan ang viewers sa kwelang act na ipinakita ng content creator, katulad ng pagbato niya ng buko at paghampas niya ng sanga kay Stell. Sa huli, nag mala the Flash ang P-pop star kaya biglang nalipad si Yaya Dove sa kabilang bundok.

Aliw na aliw ang fans at dinumog ang comment section na puno ng nakakatawang comments. Napansin din ito ni Stell mismo at ni-repost ang video sa kaniyang TikTok page.

Umabot na ng 3.9 million views at more than 300,000 heart reacts ang naturang TikTok video.

@yayadove Fun51😂 "Stell Continuous" #fyp #sb19 #sb19_stell #yayadove #duet #tiktokph #edit ♬ YayaDove24_SB19Moonlight - ✰YayaDove✰

Samantala, abala naman ngayon si Stell sa kaniyang upcoming concert na "JulieXStell: Ang Ating Tinig," kasama ang Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

Hands-on ang dalawa sa preparations, lalo na ang pagpili ng kanilang kakantahin on stage. Nais din nila na maging mas personal, mahusay, at nakakaaliw ang kanilang performances para sa kanilang fans.

Ang "JulieXStell: Ang Ating Tinig" ay gaganapin ngayong July 27 at 28 sa New Frontier Theater. Ito ay collaboration ng GMA Synergy, GMA Entertainment group, at 1Z Entertainment.

Maliban dito, babalik din ang power duo bilang coaches sa upcoming reality talent competition show na The Voice Kids Philippines.

Kilalanin pa si Stell Ajero, ang main vocalist and lead dancer ng SB19: