GMA Logo Sassa Gurl
What's Hot

Sassa Gurl, dream come true ang makatrabaho si Marian Rivera

By Dianne Mariano
Published July 13, 2024 11:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Sassa Gurl


Content creator Sassa Gurl kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera: “It was a dream come true for me and napaka-professional ni Madam Marian.”

Kabilang ang social media star na si Sassa Gurl sa cast ng 2024 Cinemalaya entry na Balota, na co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group with Cinemalaya.

Sa recent 24 Oras report ni Vonne Aquino, ibinahagi ng sikat ng content creator na dream come true para sa kanya ang makatrabaho ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, na gaganap bilang Emmy sa pelikula.

Ayon pa sa report, ang mga naging role ni Marian noon sa telebisyon ang fantasy ni Sassa Gurl.

“Bilang isang bakla, 'yan ang kinalakihan ko rin kasi alam mo na Darna, Marimar. Bakla, fantasy talaga namin 'yan. Super thankful talaga ako,” pagbabahagi niya.

Patuloy niya, "It was a dream come true for me and napaka-professional ni Madam Marian. Never kong nakitaan ng, alam mo 'yun, bigat katrabaho anyone sa set namin. Sobrang gaan lang talaga."

Bukod kina Marian at Sassa Gurl, kabilang din sa cast ng Balota sina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, at Esnyr.

Ang Balota ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda at mapapanood ito sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival simula August 2 hanggang August 11.