GMA Logo Barbie Forteza and David Licauco
What's Hot

Barbie Forteza and David Licauco movie na 'That Kind of Love', approve sa mga manonood

By Kristian Eric Javier
Published July 17, 2024 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
6 men to face alarm and scandal complaint after roadside scuffle
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza and David Licauco


Puno ng paghanga ang maraming fans sa pinakaunang pelikula nina Barbie Forteza at David Licauco na 'That Kind of Love'.

Isang linggo na sa mga sinehan ang first-ever movie nina Barbie Forteza at David Licauco na That Kind of Love at patuloy pa rin itong pinapanood ng moviegoers. Maraming netizens pa rin ang nanonood at natutuwa sa pelikula ng dalawang Sparkle artists.

Ilang netizens din ang nagpo-post ng kanilang opinyon at pahayag kung gaano sila kinilig sa dalawang bida ng pelikula. Isang netizen pa ang nag-rate sa That Kind of Love ng 10/10, at sinabing kinilig lang siya ng dalawang oras.

Sabi pa niya, “Love you BarDa!”

Sulit naman umano ang bayad ng isang netizen para sa pelikula at sinabing maganda ang feedback na narinig niya tungkol dito.

“Maganda naman talaga ang movie, siguradong nakangiti habang palabas ng sinehan,” komento niya.

Para naman sa isang netizen, simple lang ang plot at typical rom-com umano ang That Kind of Love, ngunit hindi ito “cringy.”

“No cheesy pickup lines because heaven knows I hate pickup lines in romantic movies,” sulat niya.

“Exceeds expectations” naman para sa isang rom-com lover ang That Kind of Love.

Isang netizen naman ang sobrang saya na napanood sina Barbie at David sa kanilang pelikula. Hiling niya ay mag-release sana ng uncut version dahil gustong-gusto niya ang kabuuan ng pelikula.

“The story, the acting, the kilig, and ofc, the amazing and electrifying chemistry of B and D. Will watch again tomorrow,” sabi niya.

Komento naman ng isang netizen sa pelikula, “'Yung akala mo alam mo na ang lahat pero pagdating pa din talaga sa love, lahat mapapatanong even the Love Coach Mila.”

Highly recommended naman ng isang netizen ang pelikula dahil aniya, magaan ang pakiramdam, masaya at nakangit pa siya nang lumabas sa sinehan. Dagdag pa niya ay kahit pa dalawang beses na siyang nanood ay plano niyang panoorin ulit ito.

Isang netizen naman ang nagsabi na hindi mapapantayan ng presyo na binayaran para manood ang pagmamahal na mararamdaman pagkatapos manood.

Sabi ng isang netizen, “It checks everything in the checklist. It did not always work, but when it does, it brings the kilig that we're looking for. Barbie Forteza is so beautiful in big screen, give her more films!”

Comment naman ng isa pang netizen sa That Kind of Love, “A feel-good movie that will bring all smiles to your faces from start to finish.”

BALIKAN ANG KOMENTO NG NETIZENS SA PREMIERE NIGHT NG 'THAT KIND OF LOVE' SA GALLERY NA ITO:

Sabi naman ng isa pang netizen, “I want more! Why I have this feeling na kuwento nila 'to in real life? Charot.”

Totoong-totoo naman para sa isang netizen ang ang chemistry nina Barbie at David. Kung kinilig umano siya sa noon sa Maria Clara at Ibarra, mas lalo ngayon at sinabing highly recommended ang pelikula.

Isang short at sweet congratulatory message naman ang iniwan ng isang netizen. Aniya, “Wala mapagsidlan [ng] kagalakan ng puso ko sa kaliwa't kanang papuri ng mga moviegoers, CV's, supporters in all walks of life. Congrats talaga ng bonggang-bongga.”

Isang netizen naman ang nahampas ang kaniyang sister dahil sa kilig habang pinapanood ang That Kind of Love. Aniya, pinalayo na niya ito para hindi niya mahampas ngunit kahit one seat apart ay naaabot pa rin niya.

Isang netizen rin ang naisama pa ang pamilya sa panonood ng That Kind of Love at kahit umano sinamahan lang naman siya ng mga ito ay nagusuhan pa rin nila ang pelikula. Kuwento pa ng netizens ay bukod sa puno sila ng papuri sa pelikula, ineengganyo rin nila ang ibang kaag-anak na manood.