Showbiz News

Sino ang 'chu-chu' nina Dasuri at Natalia?

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Isang nakakatuwang chikahan with Regine Velasquez ang nangyari nang ma-interview niya sina sina Dasuri Choi at Natalia Moon sa 'Sarap Diva.'
 
Dito, ibinahagi nila Dasuri at Natalia na open sila sa pagkakaroon ng isang Pinoy boyfriend. Ano kaya ang tipo nila at ano na kaya ang kanilang relationship status?
 
Sa ngayon, single ang Australian na si Natalia. Ngunit dati umano ay nagkaroon siya ng Filipino boyfriend at ilan sa mga katangian na kanyang hinahanap ay moreno, chinito, pero dapat masipag at nakakatuwa. Aniya, “Gusto ko talaga [ng Filipino boyfriend], pero sobrang busy. Hindi siya showbiz, so mas mahirap.”
 
Para sa Koreanang si Dasuri, wala siyang boyfriend na Pinoy pero may isang nakakatuwang bagay na ikinuwento ito tungkol sa kanyang relationship status.
 
Pahayag ni Dasuri, “I have 'chu-chu' or boylet. Not boyfriend, but we are kilig.”.
 
When it comes to showbiz crushes, may dalawang Kapuso artists palang kinakakiligan ang dalawa.
 
“Si Ryan Agoncillo. He's pogi, he's mabait, tapos he's neat,” kinikilig na kuwento ni Dasuri.
 
“Christian Bautista. Kasi napanood ko 'yung musical 'yung "Ghost." Sobrang galing siyang mag-perform. So talagang gusto ko siyang makipag-collaborate [sic],” pahayag naman ni Natalia.