Showbiz News

Gabby Eigenmann: 'Si Glaiza, hindi madamot'

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
“Hindi na kami nagyayakapan (laughs),” sagot ni Kapuso actor Gabby Eigenmann nang kumustahin ng GMANetwork.com ang working relationship niya sa Dading co-star na si Glaiza de Castro.
 
Last June lamang nagsimula ang Afternoon Prime soap ng dalawang aktor. At dahil sabik ang dalawa na makatrabaho ang isa’t isa, ikinuwento sa amin ni Gabby na nagyakapan daw sila ni Glaiza sa unang take nila sa Dading.
 
At ngayong halos dalawang buwan nang magkasama sina Gabby at Glaiza sa isang show, mas tumatagal daw ay mas nagiging mabuti ang kanilang working relationship. “Sabi ko nga, nag-click kami kaagad eh. The chemistry has been there since day one,” saad ni Gabby.
 
Ayon pa kay Gabby, pakiramdam niya raw ay matagal na silang magkakilala ni Glaiza. “Nakakaaliw kasi first time kong makatrabaho si Glaiza and it never felt na it was the first time. Parang sabi ko, parang matagal na tayo magkakatrabaho,” pahayag ng aktor.
 
Natutuwa si Gabby kay Glaiza dahil hindi raw ito selfish bilang isang aktor. Aniya, “Nakakatuwa kasi for Glaiza, I get inspired to work harder kasi bihira lang sa co-actors na nagbibigayan kayo pagdating sa eksena. Si Glaiza, hindi madamot.”
 
Dahil galing sa pamilya ng mga artista, noon pa lamang daw ay alam na ni Gabby ang tamang pakikisama sa kanyang mga kapwa aktor. “Ako, growing up, siyempre laking Eigenmann so 'yon ang lagi nilang sinasabi, never act by yourself or never be selfish. So 'yon ang natutunan ko, na-imbibe ko 'yon for the longest time,” anang Dading star.
 
Dagdag pa niya, “There are only a few, well sabihin nating marami-rami rin naman na mga artista na who would give and receive then give again. And si Glaiza 'yon. I would say it's an honor to be working with her.”
 
Noong napapanood pa lamang daw ni Gabby si Glaiza dati ay gusto na niya itong makasama sa isang proyekto. “Ang tagal ko nang gusto siyang makatrabaho. I’ve seen her sa Temptation of Wife and Grazilda. Ngayon na may opportunity and na-experience ko, it's a delight, I’m moved,” bahagi ni Gabby.