Showbiz News

Julian Trono’s biggest regret: Joining showbiz?

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Marami ang nangangarap na sumikat sa telebisyon. Pero hindi alam ng mga naghahangad nito ay mayroon din palang regrets ang mga artistang pumasok sa mundo ng showbiz. Isa na rito ang Niño star na si Julian Trono.
 
Ayon kay Julian, ang kanyang biggest regret ay ang pag-aartista. Malaki raw kasi ang naging epekto nito sa kanyang pag-aaral.
 
“Before kasi, as in preschool hanggang elementary, honor student ako. As in first honor ako lagi, marami akong medals,” pahayag ni Julian.
 
High school noon si Julian nang mag-umpisa siya sa showbiz bilang host ng youth-oriented show na Tropang Potchi. Ayon sa aktor, nanghihinayang daw siya dahil mula noon ay napabayaan na niya ang kanyang pag-aaral.
 
“Parang nanghihinayang lang din ako kasi nga I’m almost there. Pero kasi hindi ka puwedeng maging hari sa dalawang kingdom. Kailangan [ay] mayroon kang i-sacrifice,” saad niya.
 
Ayon kay Julian, ngayon daw ay tanggap na niya na ang pag-aaral ang isinakripisyo niya para sa showbiz career. Pero linaw ng aktor, hindi pa rin daw siya sumusuko na makapagtapos.
 
College na ngayon si Julian kaya’t tinututukan na niya ang kanyang studies. Aniya, “Ngayon kaya namang pagsabayin. As in kailangan ko talaga siyang pagsabayin. Saka it’s a different ball game na eh, it's college, ito na 'yon eh. Ito 'yung magse-set ng pathways ko when it comes to my work.”
 
Nag-enroll si Julian ng kursong film sa Meridian International College (MINT). Kuwento ng teen star, kahit wala siyang tulog ay pilit pa rin siyang pumapasok sa isang regular school program.
 
“So far zombie ako parati sa class kasi nga Tuesday and Thursday 'yung schedule ko [sa Niño]. So after taping ng Monday, nagta-tap lang ako sa kama ko tapos maliligo na rin ako. Tapos diretso na ako ng school. So okay pa naman, buhay pa rin naman,” kuwento ni Julian.
 
Bakit film? “Nagkaroon na rin ako ng passion sa film hindi lang bukod sa acting. Kumbaga 'yung paggawa talaga, pag-produce, 'yung behind the scenes, 'yung behind the camera. Sabi ko narito na rin naman ako [sa showbiz] so might as well na i-push through ko,” bahagi niya.
 
Kung wala ngayon sa showbiz si Julian, malamang daw ay magpupursige siyang maging isang engineer. Aniya, “Sobrang na-inspire ako sa mga tito ko na engineer at si Daddy engineer din. Sa talagang ‘yon din 'yung gusto kong i-pursue before.”