GMA Logo Barbie Forteza, Herlene Budol
Source: herlene_budol (TikTok)
What's Hot

Herlene Budol, personal na nagpasalamat kay Barbie Forteza

By Jimboy Napoles
Published July 23, 2024 7:45 PM PHT
Updated July 24, 2024 10:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rising P-pop group 1st.One to hold Asia Tour in 2026
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza, Herlene Budol


Muling nagkita sina Herlene Budol at Barbie Forteza matapos ang viral moment nila sa GMA Gala 2024.

Personal na nagpasalamat ang TiktoClock host na si Herlene Budol sa Pulang Araw actress na si Barbie Forteza sa ginawa nitong pagtulong sa kanya sa katatapos lang na GMA Gala 2024.

Sa isang TikTok video na in-upload ni Herlene ngayong Martes, July 23, nakayapak at nagmamadali niyang pinuntahan si Barbie sa building ng GMA upang personal itong makausap at makapagpasalamat.

Sinalubong naman ng yakap ni Barbie si Herlene nang makita niya ito, kasunod ng nangyaring aksidente sa GMA Gala 2024.

Matatandaang isa si Barbie sa mga mabilis na nag-rescue kay Herlene nang sumaubsob ito sa kalagitnaan ng kanyang pagrampa sa stage.

Mabilis na nag-viral online ang video ng fell-off moment ni Herlene at gayundin ang ginawang pagtulong ni Barbie.

Kuwento ni Herlene kay Barbie, “Actually Ate, no'ng nadapa ako hindi ko na napansin kung sino 'yung mga tumulong. Nakita ko na lang sa video na nandoon ka nga raw to the rescue ka at kahit ang laki-laki ng [suot mong gown] tumakbo ka.”

“Thank you, Ate,” pasasalamat ni Herlene kay Barbie.

“Walang problema. Walang anuman. Mabuti naman at okay ka. Basta okay ka, 'yun ang importante,” sagot naman ni Barbie.

Sa interview ng dalawa kay Nelson Canlas, sinabi ni Herlene na natutuwa siya kay Barbie dahil sa pagtulong nito sa kanya sa kabila ng bigat ng gown na suot nito noon.

Aniya, “Personal po akong nagpapasalamat kay Ate Barbie kasi to the rescue 'yung Princess talaga, ang laki-laki ng gown niya, tinakbo niya.”

Paglalahad naman ni Barbie, “Ang OA din naman kasi ng reaksyon ko 'di ba? Okay naman siya e. Di ko rin maintindihan pano ko nagawa 'yun nang hindi nadadapa.”

Dagdag pa ng aktres, “No'ng nakita ko siya na bumagsak talagang gusto ko na matulungan siya, ma-awra niya nang maayos 'yung damit niya.”

Masaya rin daw si Barbie na nakarampa rin muli si Herlene sa stage matapos itong madapa.

@herlene_budol Thankyou ate barbie #fyp #fypシ #foryoupage #herlenenicolebudol ♬ original sound - HerleneNicoleBudol

Samantala, mapapanood naman si Barbie bilang si Adelina Dela Cruz sa highly-anticipated series na Pulang Araw.

Makakasama ni Barbie sa nasabing serye sina Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Kasama rin si Dennis Trillo na gaganap sa kanyang first kontrabida role.

Panoorin ang teaser ng Pulang Araw:

Balikan naman ang iba pang GMA Gala 2024 outfits sa gallery na ito: