Showbiz News

Bettinna Carlos, kinilabutan sa tuwa sa Royal Engagement

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Marami ang naka-witness sa second proposal ni Dingdong Dantes sa kanyang longtime girlfriend na si Marian Rivera. Ngunit ang hindi alam ng nakararami, may ilan silang malalapit na mga kaibigan na alam ang first engagement nina Dingdong at Marian sa butterfly dome, Macau.
 
Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, ibinahagi ni Bettinna Carlos ang kanyang pakiramdam sa Royal Engagement bilang isa sa mga malalapit na kaibigan ng Primetime King and Queen.
 
Kuwento ni Bettinna, “Actually, matagal ko ng alam 'yan. The people really close to her already knows that. Kami talaga, hinihintay na lang namin 'yung timing. Everytime I see her, [I always ask] oh, kailan ka na ikakasal?”
 
Isang linggo bago naganap ang Royal Engagement sa ‘Marian,’ nagkita umano sina Bettinna at Marian at dito sinabi ng Primetime Queen na malapit na mangyari ang kanilang big announcement.

Aniya, “Sabi ko ano na [ang plano]? Sabi niya [Marian], 'Baka next week, mag-a-announce na kami.' Hanggang ngayon kinikilabutan ako everytime I remember that because that was our ultimate wish for her, for them. Kasi ‘yun na lang 'yung kukumpleto talaga e.”
 
Sa usapang career kasi, successful na pareho sina Dingdong at Marian, kaya wala na silang mahihiling pa kaya kasalan na lamang ang hinihintay ng mga kaibigan ng Royal Couple.
 
Napanood na umano ni Bettinna ang video ng unang proposal ni Dingdong kay Marian, pero ibang klaseng saya raw ang kanyang naramdaman nang na-witness niya ang second proposal.
 
Pahayag ni Bettinna, “Naiiyak nga ako e. Naisip ko nga, alam ko na ito pero bakit naiiyak pa rin ako?”
 
“Pero 'yung makita ng actual si Dong na nakaluhod, na nagpo-profess ng pagmamahal niya, at nang marinig si Yan na, 'Kahit ano ibibigay ko sa iyo, kahit lumaki 'yung katawan ko, kung ano ang magpapasaya sa 'yo kasi alam ko kung gaano katotoo 'yun. Alam ko ganoon siya magmahal talaga. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Basta siya, ibibigay niya lahat. Higit pa sa akala niyang mayroon siya,” dagdag ni Bettinna.
 
Bukod sa kasal, excited na rin si Bettinna na makitang may anak ang Primetime Queen. Saad niya, “She is very fond of kids talaga e. Kahit anak ko, anak ni Chard [Richard Gutierrez], anak ni Ate Regine [Velasquez], grabe siyang natutuwa. So kami talaga, we could just imagine what she is when she has her own child.”