Showbiz News

Ang kinakikiligan ni Carla Abellana

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Sa dami ng blessings na natatanggap ni Carla Abellana, may dahilan ang aktres upang kiligin onscreen at offscreen.
 
Busy man sa My Destiny at Ismol Family, balik-pelikula ang Kapuso actress para sa Somebody to Love.
 
“Nakakatuwa kasi parang kailan lang nandito ako for another premiere night ng isa kong pelikula. So nakakatuwa kasi may nabuo na naman kaming isang magandang pelikula through Regal Films,” kuwento niya sa Unang Hirit.
 
“With this one, I’m particularly excited kasi ang dami kong kasama dito. Sobrang nag-enjoy kami sa pag-shoot ng pelikula,” dagdag niya.
 
Maliban sa mga projects ay tila hindi rin nababakante si Carla pagdating sa pag-ibig.
 
Hindi man niya kinumpirma ang tungkol sa marami niyang tagahanga, inamin naman niyang kasama niya sa premiere night ang nababalitang manliligaw niya na si Tom Rodriguez.
 
“Kung may suitors man I’m sure para sa akin susuportahan nila ako ‘di ba. Kung ano man ‘yan, kung lumabas man ‘yang pelikulang ‘yan, papanoorin nila, susuportahan nila,” saad ni Carla.
 
“Andyan siya. Yes, I invited him to watch. Buti na lang din nagkataon na libre ‘yung schedule niya today bilang busy naman din siyang tao ‘di ba,” patuloy niya.
 
Dahil sa tuloy-tuloy na blessings ay wala raw dahilan ang aktres upang pansinin ang mga isyung idinidikit sa kanya.
 
“No, wala akong gustong tamaan or anything... I don’t regret anything naman that I say or I do. So nasa sa kanila na lang ‘yun if they misinterpret it or misunderstand ‘di ba. Iba naman ‘yung intentions mo,” sabi nito.