
Certified Kapuso pa rin si Heart Evangelista matapos pumirma muli ng kontrata sa GMA Network nitong Lunes, July 29.
Labis ang pasasalamat ang Global Fashion Icon sa patuloy na pagsuporta at pagmamahal sa kaniya ng GMA.
Sa isang panayam kasama ang GMA Integrated News Interviews, pahayag ni Heart tungkol sa network, "Naniniwala ako sa utang na loob at hindi nababayaran and I'm very very grateful. [And] when you are very grateful with everything you have, wala ka na iba pang gusto sa buhay. Kumbaga kontento ka na. GMA has given me that feeling of contentment and I have a home."
Kilala si Heart sa kaniyang iba't ibang iconic roles sa GMA series katulad ng Dwarfina (2001), Luna Blanca (2012), Mulawin vs Ravena (2017), My Korean Jagiya (2017), at sa pelikulang Temptation Island.
Ang huli niyang proyekto bilang aktres ay noong 2021 sa nakakakilig na television series na I Left My Heart in Sorsogon, kasama ang kaniyang leading man na si Richard Yap.
Ngayong nag-renew na si Heart ng kontrata sa GMA, posible kaya na magbalik telebisyon na ang aktres?
"Hopefully, maybe with a really good script I can. But as this moment parang feeling ko we will try to do something else kasi parang 'di na po ako makakatulog nu'n. Hindi na po ako nakakatulog ngayon," sagot niya.
Pero ibinunyag din ni Heart, na magkakaroon siya ng upcoming project kasama ang Kapuso network.
"I'll be working with GMA something na bago naman na I don't think that has ever been done before so hopefully soon," sabi niya.
Kung may pagkakataon ang Kapuso star na tuparin ang kaniyang dream project, nais raw niya na makatrabaho ang iba pang bigating Kapuso artists katulad nina Marian Rivera, Alden Richards, at Bea Alonzo.
Aniya, "Sana meron tayong all-star cast. Ang hirap nun. Something impossible that would be- [sina] Alden, Marian, Madam Bea, lahat. I would love to work with all of them given a chance."
Samantala, tingnan ang highlights ng contract signing ni Heart Evangelista sa gallery na ito: