Showbiz News

Ready na si Ninang Vi para sa Royal Wedding



Ready na raw si Star for All Seasons at Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na maging ninang sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Dec. 30.

Inamin ni Gov. Vi sa panayam sa 24 Oras na maging siya ay kinilig sa proposal ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera sa live episode ng Marian noong August 9.

Handa na raw siya na maging ninang sa royal couple.

“Matagal na. ‘Ninang’ na ang tawag nila sa akin. Pero ang pinakaimportante, natutuwa ako para sa kanila kasi nakikita mo ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Sana, tama lang, mabiyayaan na iyan ng Panginoong Diyos,” aniya.

Si Gov. Vi pa lang ang kumpirmadong magiging ninang nina Dingdong at Marian. Ang iba ay pinag-uusapan pa nila, ayon sa royal couple.

Ang maiksing mensahe ni Gov. Vi kina Marian at Dingdong: “Andito lang ako. Kapag hindi na nila kaya at may problema, tawagin lang nila ako. Si Ninang Vi.”