Showbiz News

Alden Richards, kinilig sa proposal ni Dingdong kay Marian

By MARY LOUISE LIGUNAS


 
Tatlong buwan na ang nakalipas mula ng matapos ang Carmela, na pinagtambalan ni Alden Richards at ng Primetime Queen na si Marian Rivera.

Bukod sa binigyan siya ng biggest break ng Carmela, higit din siyang napalapit sa kanyang leading lady.

Ano ang masasabi ni Alden sa proposal ni Dingdong Dantes sa dating ka-love team?

“Sobrang nakakakilig! It’s about time!” sabi ni Alden.

Hindi man niya napanood nang hingin ni Dingdong ang kamay ni Marian sa harap ng milyong fans dahil siya’y nasa nationwide auditions ng Bet ng Bayan, hindi nagpahuli sa balita si Alden.

“I was out of town but I saw the pictures. We all know na matagal nang mag-on si Kuya Dong and Yan (so) talagang nakakatuwa,” dagdag niya.

Hanga si Alden sa pagsasama ng Primetime King at Queen dahil naging matatag ito kahit sa gitna ng mga kaguluhan sa showbiz.

“Nakakatuwa kasi after all these years, finally, they sealed the deal.
They’re making the relationship last forever so I’m really happy for them,” aniya.

Humirit din ang gumanap na Yago sa kanyang dating leading lady at sa magiging asawa nito.

“Congratulations and ‘wag nyo akong kalimutan sa kasal,” sabi niya.