Marian Rivera at Vic Sotto, magtatambal sa isang pelikula
Published On: August 22, 2014, 12:23 PM
Updated On: February 19, 2020, 07:58 AM
By SAMANTHA PORTILLO
Nag-umpisa na ang shooting para sa kanilang pelikula, kung saan si Marian ang magiging ka-love team ni Bossing Vic. Ito ang unang pagkakataong magtatambal sa pelikula sina Marian at Bossing.
Ipinagmamalaki ng Primetime Queen ang pagiging magaang katrabaho ni Bossing.
Kuwento ni Marian sa 24 Oras, “Para sa akin, kasi madali naman talagang katrabaho si Bossing at saka nagkakaroon pa kami ng moment din sa Juan For All, [All for Juan], so hindi mahirap para sa akin.”
Unang nagkatrabaho sina Marian at Bossing sa 2005 Metro Manila Film Festival Entry na Enteng Kabisote 2: Okay Ka, Fairy Ko The Legend.