Showbiz News

'Sa Puso ni Dok' ngayong Linggo na!

Inihahandog ng GMA News and Public Affairs ang kauna-unahang original medical drama series na magpapakita ng iba’t-ibang problemang kinakaharap ng mga government hospitals sa bansa, ang Sa Puso ni Dok.  

Pangungunahan ito ng award-winning actor na si Dennis Trillo bilang si Doc Dennis at Bela Padilla bilang si Doc Gab. Pareho silang doktor sa Melchora Aquino General Hospital, isang pampublikong ospital. 
 
Sa unang araw ni Doktora Gabrielle Dela Cruz sa Melchora Aquino General Hospital, para sa pagsasakaturapan ng dalawang taong kakailanganin niya sa kaniyang Return Service Program, makikilala niya ang guwapo at idealistikong si Doc Dennis De Vera, ang makakasama niyang general practitioner sa Emergency Room. Bago pa man makapasok sa ospital, masasaksihan ni Doc Gab ang aksidente ng bus kung saan maraming pasahero ang agad na nangailangan ng kanyang tulong.  
 
 
Magugulat si Doc Gab pagdating sa Melchora Gen, siksikan ang mga tao, walang lugar para sa mga kapapasok lamang na pasyente, kulang ang mga nurse at doctor na mag-aasikaso sa kanila, walang gamit at wala ring gamot.  
 
 
Bago matapos ang kaniyang unang araw, masasaksihan niya kung paano mag-amok ang asawa ng isang pasyenteng buntis na hindi matutukan ng ospital.  
 
 
Ilan lamang ang mga ito sa kaabang-abang na mga eksenang mapapanood sa Sa Puso ni Dok ngayong Linggo, August 24, 2014, 9:35 PM, pagkatapos ng Kapuso mo, Jessica Soho!