
Ibinahagi ni Kapuso actress Bianca Umali na may isang mahalagang bagay siyang pinag-aaralan ngayon.
Sa isang post sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres na kasalukuyan siyang nagsasanay na sumakay ng motorsiklo.
Ayon kay Bianca, paghahanda ito para sa isang bagay pero hindi pa siya nagbigay ng kahit anong detalyo tungkol dito.
"Learning something new for something. *wink wink*," panimula ng kanyang caption.
Iniaalay rin daw niya ang pag-aaral niya para dito sa kanyang yumaong ama.
"This one's for my Daddy up in heaven too.
"It was his ultimate dream for us to ride together…
"Well… now that I'm here - we may not be riding side by side but I will surely be riding with him in my heart all the time. ," lahad niya.
Samantala, very supportive naman kay Bianca ang nobyo niyang si primetime action hero Ruru Madrid.
Isa ring kilalang motorcycle enthusiast si Ruru na katatapos lang sa kanyang pinagbidahang GMA Prime full action series na Black Rider.
Gumanap dito si Ruru bilang isang delivery rider na naging vigilante.
"Mrs.Black Rider ," komento niya sa post ni Bianca.
PLEASE INSERT INSIDE IMAGE HERE
Abala si Bianca ngayon sa taping ng upcoming series na Sang'gre na bahagi ng mundo ng iconic telefantasya na Encantadia.
Bibida siya rito bilang Sang'gre Terra, ang bagong tapangalaga ng brilyante ng lupa.
SILIPIN ANG PAGBISITA NG CAST NG SANG'GRE SA TOYCON EVOLUTION 2024 DITO: