Showbiz News

Barbie Forteza, binuhusan ng kaning-baboy?

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Binisita ng GMANetwork.com si Kapuso actress Barbie Forteza sa taping ng The Half Sisters at naabutan namin na busy ang aktres sa pag-me-memorize ng lines para sa kanyang mga eksena sa Afternoon Prime soap.
 
Ang role sa show ni Barbie ay si Diana, ang laging inaapi ng kontrabidang si Ashley na character naman ni Thea Tolentino.
 
Iba’t-ibang pang-aapi ang naranasan ni Barbie sa soap. Sa katunayan nga ay nasanay na raw siyang api-apihin sa mga eksena.
 
Pero nang tanungin namin siya kung ano ang pinakamahirap na eksena na-shoot nila, ikinuwento niya ang ginawang pagbuhos sa kanya ng kaning-baboy.
 
 
Hinding-hindi raw makakalimutan ni Barbie ang eksenang iyon dahil ilang beses niya ito ginawa. “Siguro 'yung kaning-baboy kasi dalawang beses kong ginawa 'yon eh. Dapat kasi isang araw lang, eh naging dalawa araw kasi hindi na inabot,” pahayag niya.
 
Bukod pa rito, nahirapan daw siyang alisin ang kaning-baboy sa katawan. “Ang hirap kasi pagkatapos maligo, dumidikit sa buhok kahit magsuklay,” saad niya.
 
Pero linaw ni Barbie, ‘yung props lang naman daw ang nagpahirap sa eksena dahil walang naging problema sa mga kaeksena niya rito. Aniya, “Pero kung sa eksena naman, hindi naman [ako nahirapan]. Kasi 'yung mga kaeksena ko naman nakiki-cooperate naman sila, naiintindihan naman nila na kailangang take one lang talaga kasi kung hindi, uulitin na naman 'yung eksena.”
 
Dagdag pa niya, “Tapos hindi naman ako nahirapan na gawin 'yung eksena kasi nga okay din naman 'yung mga kaeksena ko. Kumbaga hindi ako nahirapang humugot ng emosyon.”