Showbiz News

K-La Rivera on Tom Rodriguez: 'He's part of my past'

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Kailan lang ay napabalitang nililigawan na ni Tom Rodriguez ang kanyang onscreen partner na si Carla Abellana. Ano kaya ang masasabi ng ex-girlfriend ni Tom na si K-La Rivera ngayong nalaman niya ang balita sa gumagandang relasyon ng dalawa.
 
Ayon kay K-La, parte na ng kanyang nakaraan si Tom kaya hindi na niya iniisip ang mga bagay patungkol rito. Aniya, “He's part of my past. I'm just focusing on what I have in my life and yung mga taong nasa buhay ko ngayon. So, I'm just focusing my energy sa kanila. I'm thankful for everyone in my life, my family, my friends. Sobrang grateful ako sa kanila.”
 
Kung may isang bagay man na natutunan si K-La sa heartbreak na kanyang naranasan mula sa kanyang first boyfriend, ito ay kung paano maging matatag.
 
“I guess I've found out that I'm stronger that what I actually thought I was. I mean I can also thank my friends and family for being there for me. Nandoon talaga sila para sa akin. I didn't even realize how many people are there for me,” naluluhang pahayag ni K-La.
 
Sa kanyang pagbangon, naging sandalan umano ni K-La ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Kahit malayo ang ilan sa kanyang mga pamilya at mga kaibigan, ipinaramdam nila na buo ang kanilang suporta.
 
“Nag-express sila ng [ganito] 'K-La, nandito lang kami para sa 'yo. You know we're just a phone call away, a video call away.' Kahit 'yung mga best friends ko sa Canada [nagsabi], 'Sorry we can't be there for you, but we're just a phone call away.”
 
Dahil sa kanyang pinagdaanan, sobrang grateful raw si K-La na naliwanagan siya na maraming tao ang nagmamahal sa kanya. Pahayag ni K-La, “Sobrang grateful ako na I felt sometimes, you have to go through difficult situations to open your eyes up again na sobrang dami ng people who loves you. Not just one, you have so many friends, and family there for you. They opened my eyes and made me feel so loved and I'm grateful."