Showbiz News

Anong sorpresa ang dinatnan ni Angelu sa bahay?

By AL KENDRICK NOGUERA


 
Happy 35th birthday Naynay Angelu de Leon!
 
Dahil kaarawan ni Angelu ngayon, kagabi ay nagplano ng isang sorpresa ang mga dating katrabaho niya sa Pyra Babaeng Apoy na sina Thea Tolentino, Gladys Reyes at Tess Bomb.
 
Itinaon nina Gladys na magpunta sa bahay nina Angelu habang wala siya dahil nag-celebrate siya ng kaarawan kahapon kasama ang kanyang pamilya.
 
Pagkauwi ni Angelu, nagulat na lamang siya na mayroon na siyang mga bisita. Nag-post si Angelu sa kanyang Instagram ng pasasalamat sa mga nag-surprise sa kanya.
 
Ayon sa post ni Angelu, alam daw niyang sina Gladys at Tess Bomb ang pasimuno ng birthday surprise na iyon. Nagpapasalamat din siya sa anak-anakan niyang si Thea dahil nakipag puyatan pa ito kahit na may taping ng The Half Sisters kinabukasan.
 
Ipinost ni Thea sa kanyang Instagram ang video ng birthday surprise nila kay Angelu.