
May pasilip ang P-pop Kings SB19 at ang rap icon na si Gloc-9 para sa upcoming song collaboration nilang "Kalakal."
Sa Instagram, isang cover art ang ibinahagi ng SB19 kung saan makikita ang isang kariton na may sari-saring kagamitan tulad ng t-shirts, radio, at mga nakapasong halaman. Sa itaas ng kariton ay may nakasulat na "Kalakal."
"Hindi mo 'to kayang tanggihan," caption ng SB19.
Sa naunang post, ipinarinig ng SB19 ang isang bahagi ng kanta.
Mapapakinggan ang "Kalakal" simula August 9 sa Spotify, iTunes, YouTube Music, at iba pang digital music platforms.
Samantala, maaari nang makabili ng tickets para sa "PAGTATAG! The Documentary" ng SB19 na mapapanood sa mga sinehan simula August 28.
MAS KILALANIN ANG P-POP KINGS SB19 AT ANG KANILANG ACCOMPLISHMENTS SA GALLERY NA ITO: