Showbiz News

What cooking means to Bettinna Carlos

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Sa pagsali ni Bettinna Carlos sa Idol sa Kusina, marami siyang natutunan. Hindi lamang sa tulong ni Chef Boy Logro, kung hindi pati na rin sa mga cookbooks na kanyang mga binibili.
 
Nakilala si Bettinna sa desserts dahil sa kanyang business na Baked Bites, ngunit hindi ibig sabihin noon ay hindi niya susubukan ang iba’t-ibang klase ng desserts. Aniya, “Because of Idol sa Kusina, ngayon lang ako nakakapag-experiment with desserts that are not oven-cooked na hindi baked. So mga biko, mga leche flan, mga ganyan. Nae-enjoy ko siya kasi nae-explore ko rin 'yung local na flavors natin, 'yung mga flan and custards. It's a very good experience also.”
 
Halos karamihan umano ng kanyang nadi-discover sa pagluluto ay nagmula kay Chef Boy.
 
Saad niya, “Kay Chef Boy talaga lahat. Although nag-start ako talaga to collect cookbooks naman kasi talagang nai-inspire ako, and ang dami kong natutunan sa show.”
 
Bukod kay Chef Boy at cookbooks, natuto umano rin siya to cook on her own by experimenting with different dishes. Kuwento ni Bettinna, “Siyempre, siguro gusto ko na rin gumaling sa pagluluto I have to practice at home. Sinusubukan ko muna ang mga recipes that we make here [sa show] and then tini-tweak ko ng kaunti. And then, kung ano ang interest ko, like this week gusto ko puro gata, I get from my book, puro mga gata na recipes naman.”