Showbiz News

Abo ni Robin Williams, isinaboy sa San Francisco Bay

By CHERRY SUN
 
Nasa kanyang final resting place na ang hinahangaang aktor at komedyante na si Robin Williams.
 
Ayon sa kanyang death certificate, isinaboy ang abo ni Robin sa San Francisco Bay sa California.
 
Siya ay na-cremate noong August 12, isang araw pagkaraan siyang matagpuang walang buhay sa kanyang tahanan. 
 
Sa ulat ng Balitanghali, wala pang anunsyo ang pamilyang Williams kung magkakaroon ng isang memorial upang sariwain ang ala-ala ni Robin.
 
Dumaan sa matinding depresyon at nasa early stage ng Parkinson’s disease ang aktor bago siya pumanaw.