GMA Logo Marco Masa and Ashley Sarmiento at the story conference of MAKA
What's on TV

Marco Masa at Ashley Sarmiento, kabilang sa lead cast ng bagong teen drama na 'MAKA'

By Aimee Anoc
Published August 7, 2024 7:02 PM PHT
Updated September 6, 2024 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Masa and Ashley Sarmiento at the story conference of MAKA


Makakasama sa cast ng upcoming youth-oriented drama series na 'MAKA' ang Sparkle love team na sina Marco Masa at Ashley Sarmiento.

Kapwa excited na ang on-screen partner na sina Marco Masa at Ashley Sarmiento para sa bago nilang teen drama, ang MAKA.

Kabilang sina Marco at Ashley sa lead cast ng MAKA, ang upcoming youth-oriented drama series ng GMA Public Affairs. Makakasama rin nila sa show ang Sparkle stars na sina Zephanie, Dylan Menor, John Clifford, at Olive May, at ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

RELATED GALLERY: Cast of new Saturday teen drama 'MAKA' revealed at story conference

Sa story conference ng MAKA noong Martes (August 6), ipinarating nina Marco at Ashley kung gaano sila nagpapasalamat na mapabilang sa MAKA.

"GMA Public Affairs, maraming-maraming salamat," sabi ni Marco. "I'm really excited for this one po kasi base pa lang doon sa presentation kanina parang naka-relate na ako roon sa character ko. Nakaalala lang ako ng mga instances na parang 'yung karakter niya ganu'n din talaga 'yung gagawin ko personally."

Pasasalamat naman ni Ashley, "Super thankful po ako to be part of this show. Excited po ako sa show, mahilig din po kasi ako mag-singing and dancing. Excited ako na maging part ng show where I can showcase my acting and dancing skills."

Excited din sina Marco at Ashley na makatrabaho ang kapwa nila Sparkle artists at ang pagsisimula ng kanilang taping ngayong August.

"Of course, thank you din na makakasama ko po sila (Sparkle artists) sa isang napakagandang show and I really hope na makapag-bonding tayo soon at mas makilala natin ang isa't isa," ani Marco.

Dagdag ni Ashley, "Super excited to grow connections with my co-stars. First time ko makaka-work 'yung mga ka-age ko. Syempre excited ako sa taping days kasi mas maggo-grow pa 'yung friendship namin."

Abangan sina Marco at Ashley sa bagong Saturday teen drama na MAKA, ngayong September sa GMA.