Showbiz News

“Marami na siyang…nanliligaw siguro” – Herbert Bautista on short romance with Kris Aquino

“Okay na ang puso ko.”  

Ito ang sagot ni Quezon City mayor Herbert Bautista sa mga nangumusta sa kanyang love life pagkatapos ng panandalian nilang relasyon ni presidential sister at actress Kris Aquino.

“Marami na siyang ginagawa. Marami siyang iniisip. Marami siyang plano. Maraming nanliligaw siguro. Andiyan si Derek (Ramsay), di ba?” ani Mayor Herbert.

Wala raw siyang love life dahil nakatuon ang atensyon niya ngayon sa kanyang mga anak.

Magde-debut na raw ang panganay niyang si Athena samantalang ga-graduate sa high school ang kasunod nito. Kakatapos din lang daw mag-celebrate ng 11th birthday ng kanyang anak na si Harvey.

Ayon kay Mayor, pinatibay ang kanyang mga anak ng mga intriga tungkol sa kanila ni Kris.

“Okay lang. What happened really was an eye opener for my kids and I pray that they become stronger because of that experience. And I think they are stronger,” dagdag niya.