Showbiz News

Dingdong and Marian: Doing everything together

By AEDRIANNE ACAR
 
Habang papalapit ang kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, mas nakikita ang dalawa na ginagawa ang lahat ng bagay – mula sa trabaho, charity events, at kahit sa katuwaan – na tila preparasyon sa buhay ng mag-asawa.

Sabi nga ni Dingdong habang nagpo-propose kay Marian, hiniling niya sa Diyos na bigyan siya ng “makakasama sa kalokohan, sa kalungkutan, sa kasiyahan…isang taong makakasama kong mangarap.”

Noong Sabado ng gabi, sabay na tinanggap nina Marian at Dingdong ang Ice Bucket Challenge bilang suporta sa international awareness
movement para sa kondisyong Amyotrophic Lateral Sclerosis (ALS) at makapag-raise ng pondo para ALS Association.



Sa video na pinost sa Instagram account ni Dingdong, game na game ang dalawa na maligo ng malamig na tubig, na may kasamang mga tipak ng yelo, for a good cause.

Matapos gawin ang Ice Bucket Challenge, hinamon nila si Senator Bam Aquino, ang co-star ni Dingdong sa Ang Dalawang Mrs. Real na si Rodjun Cruz, ang mga kaibigan ni Marian na sina Ana Feleo at Roxee B at siyempre si Bossing Vic Sotto.

Kamakailan lang, binisita rin ng magkasintahan ang mga pasyente ng Smile Train sa San Fernando, Pampanga bilang suporta sa organisasyon na tumutulong na maoperahan ang mga batang may cleft lip condition.