GMA Logo Carlos Yulo, Carlos Yulo family
Courtesy: Unang Hirit
What's Hot

Lolo at Lola ni Carlos Yulo, excited nang makita ang two-time Olympic gold medalist

By EJ Chua
Published August 14, 2024 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Carlos Yulo, Carlos Yulo family


Sabik na ang Lolo at Lola ni Carlos Yulo na makita ang kanilang apo.

Nagbigay-pugay ang Unang Hirit Barkada sa mga atletang Pinoy na lumahok at nagkamit ng tagumpay sa katatapos lang na 2024 Paris Olympics.

Nito lamang Martes, August 13, nakauwi na ang mga atleta sa Pilipinas.

Ngayong August 14 naman, magaganap ang Heroes' Welcome parade para sa kanila.

Isa sa mga hindi na makapaghintay na makita ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos “Caloy” Yulo ay ang kanya mismong lolo na si Rodrigo Frisco.

Sa Unang Balita report, ipinakita ng lolo ni Caloy na nakaplantsa na ang susuotin niya sa pagsalubong sa kanyang apo.

Masayang sinabi ni Lolo Rodrigo, “Very, very, very excited. Gustong-gusto [makita]. Matagal na hindi pumupunta rito, mahigit two years na yata.”

Pahayag naman ng lola ni Caloy na si Angelita Poquiz, “Masaya, kung pupunta siya rito magkaroon ng victory party… everybody happy.”

Kilalang-kilala ngayon si Caloy matapos niyang masungkit ang dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Related gallery: Carlos Yulo's sweet moments with his girlfriend Chloe San Jose