Showbiz News

Mikael Daez says no to long-distance relationship?

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Panay papuri ang natatanggap ni Kapuso hunk Mikael Daez sa pagganap niya bilang Bernie sa Ismol Family. Siya ang best friend ni Ryan Agoncillo na may inner vibe na isang ‘bekimon.’ 
 
Bukod sa stellar cast ng show na binubuo ng mga batikang komedyante tulad nila Carmi Martin at Pekto, naipapakita rin ng Ismol Family ang buhay ng isang OFW at ng kanyang pamilya. 
 
Kaya ng makapanayam ng GMANetwork.com si Mikael, tinanong namin ito kung kaya ba niya ang isang long-distance relationship tulad ng kina Jingo at Majay. 
 
Umamin ang model actor na hindi raw niya kaya ang ganoong sitwasyon dahil lubha raw itong mahirap. 
 
“Ako personally hindi ko kayang mag long-distance. It’s not my thing. ['Yung] two years hindi kayo magkikita masyadong matagal ‘yun for me.”
 
Dagdag pa niya, “Ako at least tanggap ko ‘yun. Open ako when I had my very first girlfriend in college parang iniisip niya yata mag-US siya sabi ko hindi ko kaya. As in hindi ko talaga kaya na walang-walang physical interaction, ang hirap kasi.”
 
Naniniwala raw ang Kapuso actor na case-to-case basis talaga kung kaninong couple magwo-work ang isang long-distance relationship. 
 
“I think depende sa mga tao. I’m sure sa inyo rin, ang dami niyo rin kilala na may long-distance relationship. ‘Yung iba for some reason parang wow kaya niyo, ang galing 'di ba. For others parang nakikita mo hirap na hirap sila. Struggling talaga sila,” saad ng binata.  
 
Lubos din ang paghanga niya sa mga karakter ni Ryan Agoncillo at Carla Abellana sa Ismol Family na bagama’t magkalayo, nagagawa nila pareho na mapanatili ang maayos at sweet nilang pagsasama. 
 
“Hanga ako kay Carla at kay Ryan kasi mahirap tanggapin kung ano ‘yung kaya mo at hindi. Kasi siyempre pagdating sa love lahat na nagugulo. Ako rin parang matagal ko na rin na naiisip na okay kailangan kong tanggapin kung ano ‘yung limitasyon ko pagdating sa relationship. Ang hirap ng long-distance.” 
 
Don’t miss Mikael play Bernie sa Ismol Family every Sunday evening pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko.