Showbiz News

Isang sulyap kay Arthur Solinap

By AEDRIANNE ACAR 


 
Nakilala natin siya bilang si Muros, isang matipunong kawal sa telefantasya na Encantadia.
 
Ngayon, si Arthur Solinap ay isa sa most lovable characters ng hit comedy series na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento. Ginagampanan niya ang character na si Robert, ang driver nila Pepito at Elsa. 
 
Armed with his statuesque body at nakakahimatay na sex appeal, patok na patok sa mga Kapuso natin ang character niya sa Pepito na going "beki.'' 
 
Ang tanong, kailan kaya aamin itong si Robert?
 
Inamin ni Arthur sa GMANetwork.com na noong una raw ay hindi niya sigurado kung kaya niya i-play ang role bilang Robert. Pero sa tulong ng buong cast ay mas naging komportable na siya kinalaunan. 
 
Pagmamalaki nga ni Arthur, ready raw siya gawin ang kahit ano para sa ikagaganda ng programa.
 
Saad niya, “Noong una feeling ko parang hindi ko kaya, kasi ewan ko ah ang hirap 'pag mga ganung role eh. Pero dahil sa sobrang close na namin sa family, sobrang kumportable ko. So, feeling ko kahit anong ipagawa sa akin, paiyakin ako parang ganun.” 
 
Super bilib din ang Kapuso hunk sa creative director ng show nila na si Michael V. dahil napakagaling daw nito mag-conceptualize ng bawat episode ng comedy show.
 
Bukod pa riyan, binibigyan importansiya raw ni Bitoy ang bawat character sa Pepito dahil may opportunity sila maging highlight ng isang episode, hindi lang ang main cast. 
 
“Sinasabi talaga ni Kuya Bitoy sa isang talk namin na mini-make sure niya na mayroon talagang story doon sa bawat character. Kailangan i-establish ‘yung bawat character.”
 
Dagdag pa niya, “Sabi niya magkakaroon talaga ng kunwari story ni Robert this episode, story ni Maria ganun talaga 'yung plan niya ever since.So hindi lang kami 'yung parang nasa likod lang. ‘Yun 'yung maganda sa amin.”