Showbiz News

Decoding men with Paolo Contis

By MARY LOUISE LIGUNAS

 
Sa guesting ni Paolo Contis sa Basta Every Day Happy, tinulungan niya sina Alessandra, Donita at Gladys na intindihin ang mga kalalakihan.
 
Nagbigay si Paolo ng tips para mas mapabuti ang mga relasyon ng girls sa kanilang boyfriend o asawa. Ito ang ilan sa mga facts about men na ipinamahagi niya.
 
“Meron kaming hero complex.”
Kapag hindi nagsasalita ang mga lalaki, hindi ibig sabihin ay galit na sila. Baka mayroon lang silang pinagdadaanan at ayaw nila itong pag-usapan.
 
“Ang mga lalaki, kapag may problema, gusto solusyon agad (eh) 'yung mga babae, ‘pag nalaman na may problema, nagiging emotional. Gusto namin na bago niyo malaman ang problema, na-solve na namin,” sabi ni Paolo.
 
“Mapagtago kami.”
Inaamin ni Paolo na nasa nature ng lalaki ang pagiging secretive. “[Sasarilihin na lang namin] hangga’t kaya,” inamin niya.
 
Ayon sa aktor, response mechanism daw ng mga lalaki sa babae ang kanilang pagiging tahimik. “Yung ugali ng lalaki na mapagtago, dahil na rin 'yan sa ugali ng babae na maraming tanong,” kuwento niya.
 
Para kay Paolo, hindi ito palaging nakakabuti kaya tip niya sa lalaki ay mag-share rin ng kanilang nararamdaman. “To be honest, it’s not healthy. Eventually, we have to open up,” dagdag niya.
 
“May mga babaeng napaka-clingy.”
Kahit sobra ang pagmamahal ng lalaki para sa kanilang asawa o girlfriend, mahalaga pa rin daw na mayroon silang sariling oras.
 
“[May mga babae] na ultimo magsa-salon, [kailangan kasama kami]. Alam mo ang pinaka-boring sa buhay niyo, mag-salon… ang tagal,” patawa niyang sinabi. Sa mga girls, kailangan daw respetuhin ang time ninyo apart as a couple.
 
Tip ni Paolo sa mga lalaki ay i-balance ang oras para mapa-feel sa mga babae na espesyal sila. “Tingin ko hindi magiging problema 'yung video games [o ang pagbabarkada] kung 'yung time mo naman with your partner ay sulit,” aniya.
 
Kailangan din i-consider ang nararamdaman ng girlfriend o asawa para puwedeng mag-adjust. “Kung importante sa partner mo, kailangan gawin mo. You have to be sensitive,” dagdag ni Paolo.