Showbiz News

Vic Sotto, boto sa pagpapakasal ni Marian Rivera

By CHERRY SUN

 
Abala ngayon si Bossing Vic Sotto sa taping ng kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Big Bossing’s Adventures at si Marian ang love interest niya rito. 
 
Ito rin ang huling pelikula ng Primetime Queen bilang dalaga dahil ilang araw pagkatapos ng opening ng MMFF ay ikakasal na siya kay Primetime King Dingdong Dantes.
 
Si Bossing, boto sa pagpapakasal ng Royal Couple.  
 
Sa panayam ng 24 Oras kay Vic, ikinuwento niya, “It doesn’t matter naman kung single siya or double na eh. Ang pinapanood ko naman kay Marian ‘yung galing niya sa pag-arte, hindi lang sa drama. Tulad nito may pagka-dramedy ‘to eh.”
 
Magpo-propose na rin kaya si Bossing kay Pauleen Luna?
 
“Una-una lang ‘yan. Kung mayroon mang ganun, 'di ko naman itatago. Siyempre i-she-share natin sa mga fans,” saad nito.