Showbiz News

Alessandra de Rossi relives Heart-Chiz engagement

By CHERRY SUN
 
Absent man si Alessandra de Rossi sa Basta Every Day Happy, hindi naman siya nagpahuli sa pagkuwento ng naganap na proposal ni Sen. Chiz Escudero kay Heart Evangelista. 
 
Personal na nasaksihan ni Alex ang naturang engagement bilang isa sa mga matatalik na kaibigan ng Startalk host.
 
Pagbunyag ni Alex tungkol sa senador, “Matagal na niyang plano ‘yan, ilang buwan na. Tapos ‘yun tinawagan niya kaming mga kaibigan niya, ako, si Lovi, si Cat. Although ‘yung bakasyon na ‘yun sa Sorsogon with friends, matagal na ‘yun nakaplano.”
 
“Siyempre lumipad kami dun tapos tinago niya kami sa isang hotel na sosyal. Kasi normally doon, 'pag gabi may dinner naman talaga palagi, maraming tao. So hindi naman niya iisipin na may something na kakaiba,” aniya.
 
“Nakatago kami sa coaster, tapos kumanta na si Nyoy Volante. Tapos isa-isa na kaming lumabas na mga friends. So parang na-gets na niya, umiiyak na siya. Nung nakita niya si Lovi, iyak siya. Nung nakita niya ako, iyak siya. After ko, lumabas si Chiz kasama ‘yung mommy niya,” dugtong ni Alex.
 
“Nanay ni Chiz ang nandun, siya ang may dala ng singsing,” dagdag niya.
 
Kinumpirma rin niya na nagkaayos na si Heart at ang mga magulang nito. 
 
Aniya, “Of course, yes! Actually ‘yung proposal ni Chiz, hindi siya masyado nagsalita eh. Pinabasa lang niya kay Heart ‘yung cellphone niya na nandun ‘yung message nung daddy ni Heart.”
 
Kinilig at na-touch si Alex para sa kanyang best friend. Isa sa mga 'di niya malilimutang nangyari ay kung gaano kasigurado si Heart sa pagpapakasal kay Sen. Chiz.
 
“Sabi ni Chiz, ‘Will you marry me?’ Sabi niyang ganun, ‘Yes!’. Hindi pa tapos ‘yung will you marry me, yes agad,” kuwento niya.