GMA Logo sb19 PAGTATAG The Documentary Film Premiere Night
Photo by: SB19Official
What's Hot

SB19 receives warm support from fans on 'PAGTATAG! The Documentary Film' premiere night

By Aimee Anoc
Published August 26, 2024 1:10 PM PHT
Updated August 26, 2024 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

sb19 PAGTATAG The Documentary Film Premiere Night


Tampok sa 'PAGTATAG! The Documentary Film' ng P-pop Kings SB19 ang kuwento ng kanilang challenges at success. Damang dama rin ng grupo ang mainit na suporta ng fans sa kanilang premiere night.

Mainit ang natanggap na suporta ng P-pop Kings SB19 sa premiere night ng kanilang PAGTATAG! The Documentary Film, na dinagsa ng fans noong Linggo (August 25) sa Araneta City.

Nagpapasalamat ang SB19 sa pagmamahal ng kanilang fans na dumating sa premiere night.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa Unang Balita, mapapanood sa PAGTATAG! The Documentary Film ng SB19 ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan sa mga nakalipas na taon.

Hiling naman ng phenomenal Pinoy boy band na magsilbing inspirasyon sa marami ang kanilang tagumpay.

"This night is very special for us so sana po maging isang milestone din po ito for everyone, at sa mga nakasama namin sa journey namin as SB19," sabi ni Stell.

"Maraming, maraming salamat for joining us tonight and ngayong gabi po matutunghayan natin ang istorya ng SB19 at buong PAGTATAG," pasasalamat ng SB19 member.

Mapapanood ang limited screening ng documentary film sa ilang piling sinehan mula August 28.