
Ngayong opisyal nang talent ng Sparkle GMA Artist Center si Kim Ji-soo matapos itong pumirma ng kontrata noong Miyerkules, August 28, may ilang Kapuso stars ang nabanggit ng Korean actor na nais niyang makatrabaho.
Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Kim Ji-soo na gusto niyang makatrabaho ang Black Rider actor na si Ruru Madrid. Matatandaan na napanood si Kim Ji-soo bilang Adrian Park sa Black Rider.
"I wanna work with Ruru Madrid because we didn't have a scene in Black Rider," sabi ni Kim Ji-soo.
Bukod kay Ruru, nais ding makatrabaho ni Kim Ji-soo ang Pulang Araw actress na si Barbie Forteza.
"I wanna work with her because she is a good actress," dagdag niya.
Kasalukuyang napapanood si Kim Ji-soo bilang Dr. Kim Young sa hit afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap.
MAS KILALANIN SI KIM JI-SOO SA GALLERY NA ITO: