Showbiz News

Kaya bang pagsabayin ni Andre Paras ang dalawang babae?

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Maganda ang ipinapakitang performance ng rookie sa drama na si Andre Paras. Nakakasabay na kasi siya sa acting ng co-stars niya sa The Half Sisters na sina Barbie Forteza, Thea Tolentino at Derrick Monasterio.
 
Heartthrob ang role ni Andre sa Afternoon Prime soap. Isang sikat na basketball athlete ang character niyang si Bradley kaya’t pinagkakaguluhan siya ng girls sa kanilang school.
 
Siyempre, isa sa kanila ang kontrabidang si Ashley na role ni Thea. Lalong umigting ang galit ni Ashley sa character ni Barbie na si Diana dahil siya ang gusto ni Bradley.
 
Parehong basketball athlete sina Andre at Bradley at siguradong marami ang nagkakagusto sa aktor dahil sa kanyang looks. Kaya naman tinanong namin sa kanya kung nangyari na bang pinag-agawan siya ng dalawang babae sa totoong buhay.
 
“In real life, honestly it has never happened to me. So dito sa taping, it's happening so I think I can use it as practice po. So I know what to expect,” biro ni Andre.
 
Dagdag pa sa biro niya, “Siguro my schedule will be MWF sa isang babae then Tuesday-Thursday 'yung isang girl. Joke!”
 
Pero sa seryosong usapan, gusto raw niyang maging stick to one lang. Aniya, “I guess I have to choose one lang and be loyal to one girl lang.”
 
Ano'ng qualities ba ang gusto ni Andre sa kanyang future partner? “Siguro she has to be understanding since I'm in this business. Also I'm in basketball, kailangan po niyang intindihin 'yung schedule ko po na I won't always be there for her if ever.
 
“Then 'yung physical, it doesn't really matter po,” dagdag ng The Half Sisters star.
 
Pero kung puwede raw ay mayroon ding active lifestyle ang kanyang magiging girlfriend para maintindihan siya sa kanyang activities. “For me, sports will be a plus. So if ever athlete siya, alam niya po 'yung pinagdaraanan ko po,” saad ni Andre.