Showbiz News

Jeric Gonzales, first time to go sexy?

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Isa-isa nang nire-reveal ng mga Kapuso hunks ang kanilang pagsali sa Cosmo Bachelor Bash at isa sa mga first timers ay ang young actor na si Jeric Gonzales.
 
Dahil first time ni Jeric, pinaghahandaan niya umano ito sa pamamagitan ng matinding exercise routines.
 
Aniya, “Halos everyday ako nagti-training sa gym para mag-prepare sa Cosmo [Bachelor Bash].”
 
Kuwento ni Jeric, gusto niya umano i-improve ang kanyang physique hindi lamang para sa kanyang pagrampa, kung hindi pati na rin sa kanyang roles na matatanggap in the future. 
 
“Kasi before medyo mataba talaga ako. Naging parang challenge sa akin na magpapayat para sa mga roles. Sa age ko rin, medyo mature na 'yung makukuha kong roles so kailangan mas fit at masculine ang dating. Challenge sa akin na magpapayat, then magpalaki ng katawan, para fit talaga ang kalabasan.
 
Dahil confident na si Jeric sa pagrampa, handa na rin ba siya to do sexy photo shoots and movies? 
 
“Ready na! Puwede oo,” confident na sagot ni Jeric. 
 
Dagdag ni Jeric, “Gusto ko na kasi. Sabi ko sa acting mas dedicated, mas seryoso. Sa akin naman talaga hindi importante 'yung ginagawa mo e, ang mahalaga 'yung sense nung acting.”