
Isa ang bandang Dilaw sa hinahangaang artists ng Baguio-based singer-songwriter na si Plume.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ani Plume, kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay nais niyang maka-collaborate ang rock band na Dilaw, na tulad niya ay mula rin sa Baguio.
"Right now po 'yung 'Dilaw' kasi they are also from Baguio," sabi ni Plume.
Ayon kay Plume, gustong-gusto niya ang mga awitin ng Dilaw at maging ang kanilang "style." Kilala ang banda sa kanilang songs na "Uhaw," "Janice," "Orasa," at ang latest single nilang "Nilalang."
"I really like their songs and style. So far, sila 'yung pinaka hinahangaan ko na artist," dagdag niya.
Isa si Plume sa mga bagong artist ng AltG Records, sub-label ng GMA Music.
Noong August 30, inilabas ni Plume ang ikalawang single niyang "Panggap," na mapapakinggan na sa Spotify, iTunes, YouTube music, at iba pang digital music platforms worldwide.
Pakinggang ang "Panggap" sa video na ito.