Showbiz News

Yasmien Kurdi, wala nang mahihiling pa

By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Hindi pa man sobrang sikat o sobrang yaman si Yasmien Kurdi, masasabi niyang kuntento na siya sa kanyang buhay. Dahil alam niya kung paano pahalagahan kung ano ang meron siya at dahil sobra-sobra ang pagmamahal ng kanyang pamilya, wala na siyang mahihiling pa.
 
Pagkatapos ng kanyang guesting sa Basta Every Day Happy, nakapanayam ng GMANetwork.com si Yasmien kung saan ipinamahagi ng aktres ang pinaka nagpapasaya sa kanya.
 
Baby Ayesha
Ang one-year-old na si baby Ayesha ang pinaka nagpapasaya sa StarStruck alumna. Kakaiba raw ang epekto ng kanyang anak sa buhay niya.
 
“She makes me so happy kasi even if pagod na pagod ako from work, isang hug o isang kiss lang, wala na lahat… She inspires me,” sabi niya.
 
Hubby Rey
Ang kanyang boyfriend of six years at husband of over two years na si Rey Soldevilla ay ang isa pa sa mga inspirasyon ni Yasmien.
 
“My husband makes me happy. He’s very supportive and cool. Simpleng tao lang [din siya] katulad ko… We watch movies together, we eat together, ayun. Mga ganun 'yung simple at masasayang moments,” kuwento niya.
 
Little rewards
Dahil sa hectic schedule ni Yasmien, mayroon siyang dalawang bagay na hinahanap para ma-relax siya.
 
“Food makes me happy dahil ang sarap kumain [especially kung] pagod na pagod ka. Saka masahe! It makes me happy dahil 'yun ang nakakapagparelax [sa akin] kapag pagod ako from work,” aniya.