Showbiz News

Lovi Poe on Heart-Chiz betrothal: Lahat kami naiyak even Rocco

By AEDRIANNE ACAR
 
For Lovi Poe, it was an emotional occasion. Ganyan maituturing ang proposal ni Senator Chiz Escudero sa lovely actress na si Heart Evangelista last August 23. 
 
Ayon kay Lovi, lahat ng naka-witness sa grand proposal were crying kahit ang boyfriend niyang si Rocco Nacino.

Kuwento pa ng Ang Dalawang Mrs. Real star na hindi na halos makapagsalita ang Startalk host dahil sobrang overwhelmed siya sa mga nangyari. 
 
“Lahat naman kami naiyak. Heart was practically hyperventilating talaga sobrang hindi niya alam kung ano 'yung mararamdaman niya and then ayun naiyak kaming lahat. It was really sweet,” saad ng aktres. 
 
Inihalintulad nga ni Lovi ang pag-iibigan nina Chiz at Heart sa isang nobela at ang tanging mahihiling na lang daw niya ay magpakatatag ang dalawa sa anumang pagsubok na darating and make sure to have strong faith. 
 
“I’m so happy dahil they found someone who gives them that feeling [that] people write novels about. So I’m so happy na nahanap nila 'yung isa’t-isa,” ani Lovi. 
 
Dagdag pa niya, “To always be strong and I know naman that they always have each other so I’m sure na tuloy-tuloy lang 'yun siguro. Wish ko na lang is they should always put God in the center of their relationship and I’m sure ganun naman talaga.”